Simbahan

Nung nasa QC pa kami nagsisumba kami sa Sacred Heart. Nung panahon namin na niyaya namin si Mama na mag-jollibee na tumatawag si Ryan na may maisip na ano.

Bata si Rex noon. Hindi pa sachet ang abot sa catsup. Sa holy family nilalakad lang namin ang simbahan mula Pinyahan. Masaya magsimba, katekista pa ako noon.

Dati sa Pinyahan sa Holy Family kami nagsisimba. Dito sa San Jose sa Tungko at Grotto ako madalas. Hindi ko rin matawaran ang simbahan sa Fairview, sa St. Peter sa Commonwealth at sa Cabagan kung bakasyon.

Mahilig akong magsimba. Gusto ko idulog sa diyos lahat ng hinaing ko. Sa simbahan ako nagiging payapa at masarap sa pakiramdam ang magsimba. Salamat sa paghilom ko at pagbawas ng kasalanan sa pagsisimba ko.



Comments

Popular posts from this blog

Filipinolohiya

Bakit Sorrowful Ang Tuesday

Writings: Gusto, Ayaw, Kailangan, Obligasyon